Una sa Balita

Bilis-bilisan ang aksyon

By
0 927
Bibisita raw si Pope Francis sa Chile at Peru. 
 

Wish ng marami kasama tayo ay maka­bisita rin siya uli sa Pilipinas. Sabagay mukhang mas marami siyang dapat ayusin sa Chile. 

 
Kabilang na ang isa nating kababayang pari na kasamang napaulat na sangkot sa pang-aabuso sa mga kabataan sa bansang Chile. 
 
Pero sana ay pauwiin na sa Pilipinas ang inaakusahang pari na isang Father Joey, bago pa siya datnan doon ni Pope Francis. 
 
Sa tingin ko hindi lang dapat pauwiin sa Pilipinas si Father, ang dapat ay mag-seminar siya at imbestigahan sa kinasasangkutang kaso katulad ng ginagawa ng ilang sekta partikular ang INC. 
 
Hindi ba’t kama­kailan ay laman ng ba­lita ang pagkasangkot ng isa nilang ministro sa diumano’y panghahalay sa isang menor-de-edad sa Batangas.  
 
In fairness, hindi nila iyon pinalampas. Napag-alaman ko mismo sa isang malapit sa nagreklamo na sa araw ding ‘yun ay agad na umaksyon ang INC. 
 
Ayon sa nakasaksi, nang mapatunayang may paglabag sa alituntuning ipinatutupad nila ay agad pinatigil sa katungkulan at binawian ng mga pribilehiyo ang inirereklamong ministro. 
 
Ipinaliwanag din daw sa pamilya ng bata ang maaari pa nitong maging hakbang kaya minabuti nitong magsumbong sa pulis.
 
Sana ganito ang ipa­tupad ng mga nasasangkot sa iba’t ibang kaso, mas lalo na ang mula sa religious sector. 
 
Saludo ako sa ginawa ng liderato ng INC, aksyon agad para protektahan ang nagre­reklamo. 
 
Hindi ko huhusgahan kung ginawa nga ng ministro nila ang ipinaparatang, dahil hurisdiksyon na ito ng korte. 
 
Pero nakakalungkot na hindi ganito ang nagiging hakbang sa mga naliligaw ng landas na mga pari. 
 
Ang sa akin, ganyan din sana sila kabilis sa pag-aksyon? 
 
Kumusta na nga ba ang kaso noong isang pari na nahuling may kasamang 13-anyos na dalagita na ibinugaw sa kaniya?