Una sa Balita

Biliran nakaalerto sa baha, landslide; klase sa 6 bayan sinuspinde

0 282

Dahil sa patuloy na nakararanas ng buhos ng ulan, nakaalerto ngayon ang lalawigan ng Biliran sa posibleng pa­nanalasa ng baha at landslide.

Nauna rito’y Miyerkoles pa lamang ng umaga nagsimula na ang pagbuhos ng ulan sa mga bayan sa Biliran.

Kaugnay nito’y sinuspinde na rin ang klase sa lahat ng antas sa anim na bayan sa Biliran bunsod na rin ng pag-ulang nararanasan dulot ng paparating na bagyong Marilyn.

Ang mga sinuspindeng klase sa lalawigan ay kinabibilangan ng mga bayan ng Almeria, Culaba, Kawa­yan, Caibiran, Biliran at Naval ma­liban sa mga bayan ng Maripipi at Cabucgayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy