Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bilanggo todas sa kulungan

0 150

SA ospital na nalagutan ng hininga ang isang preso na nakakulong sa Custodial Center sa Gen. Trias City, Cavite Martes ng hapon.

Kinilala ang inmate na si Rodil Bolina y Mota, 49, ng Sitio Pala-Pala, Brgy San Agustin, Gen Trias City Cavite na nakakulong sa Gen. Trias City Custodial Center.

Sa ulat ni Corporal Ruelord Magbitang, ng Gen Trias CPS, alas-5:17 kamakalawa ng hapon nang mapansin ng ilang kapwa preso ang biktima na nahihirapang huminga kaya isinugod sa Gen Trias Medicare Hospital sa Brgy Pinagtipunan, Gen Trias City Cavite subalit idineklarang patay dakong alas-5:32 kamakalawa ng hapon.

Hinahanap ngayon ng awtoridad ang mga kamag-anak ng biktima. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.