Una sa Balita

Bilang ng mga OFW na nagka-HIV dumami

0 531

NADAGDAGAN pa ng 505 bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) ang mga overseas Filipino worker­ (OFW) na nasuri mula Enero hanggang Hunyo taong kasalukuhan ayon sa ACTS-OFW.

Sa kabuuan, nasa 6,760 na umanong OFW ang may HIV. Sa bilang na ito 5,844 ang lalaki habang 916 ang babae.

Hinikayat ng grupo ang mga umuuwing OFW na hinihinalang nakakuha ng HIV habang nagtatrabaho sa ibang bansa, para magpasuri.

Kahit wala pa umanong lunas para sa HIV, makatutulong umano ang maagang pagkakaalam ng sakit para mabigyan ng antiretroviral treatment na makatutulong para hindi luma­la ang kondisyon ng pasyente.

Nagreresulta ang HIV ng pagkasira ng immune system ng isang indibidwal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy