Una sa Balita

Bilang ng mga adik bumaba: Palasyo hindi nasorpresa sa SWS survey

By
0 292

Inaasahan na ng Malacañang ang positibong survey patungkol sa pagbaba ng bilang ng mga drug user sa bansa dahil sa magandang ipinapakita ng anti-drug campaign ng Duterte administration.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng Social Weather Station (SWS) survey kung saan 73% ng mga Pilipino ay naniniwalang nabawasan na ang drug users sa bansa simula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 30, 2016.

Sinabi ni Panelo na sa kabila ng pag-iingay ng mga kritiko at paninira kaugnay sa anti-drug campaign ng gobyerno, lumitaw pa rin kung ano ang tunay na nakikita at nararamdaman ng mga Pilipino.

Nakikita aniya ng sambayanan ang mga tunay na pagbabagong ginagawa ng Duterte administration kaya naman mataas ang bilang ng mga Pilipinong nagtitiwala at sumusuporta kay Pangulong Duterte.

“The Palace is unsurprised with the survey finding. While the detractors and pretentious bleeding hearts focus on the aspect of human rights, the same survey likewise reveals that 73% of our people believe that the number of illegal drug users has fallen since PRRD has taken office, a fact the Filipinos feel in their communities. This is what matters most – a genuine and meaningful change. This is the reason why President Duterte continues to enjoy massive approval and trust from the Filipinos,” ani Panelo.

Ang survey ay ginawa noong Dec. 13-16, 2019 subalit nitong Lunes lamang inilabas ng SWS.

Tinitiyak ni Panelo sa mga Pilipino na bagama’t pinaigting ang kampanya laban sa mga sangkot sa iligal na droga, isinaalang-alang aniya ang proteksiyon sa karapatang pantao ng mamamayan habang determinado ang gobyerno na parusahan sa batas ang mga umaabuso sa kapangyarihan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More