Una sa Balita

Bilang na ang araw ng mga balasubas na NSA — Ramirez

By
0 463

HINDI na uubra ang pambabalasubas ng maraming national sports association sa Philippine Sports Commission na halos napaikot nito sa halos tatlong dekada dahil sa pagpapalit ng liderato at marahil kakulangan ng ngipin ng huli.

Nakakuha nang mabagsik na kasangga ang PSC sa pamamagitan ng Department of Justice makaraang maglagdaan sa isang memorandum of Agreement kahapon sa PSC Administrative Bldg. ng Rizal Memorial Sports Complex, Malate, Manila, kabilang ang intensyon na maisaayos nang tama at mapatupad ang mandato para sa elite at grassroots sports.

Bumuo sa pormal na pirmahan sina PSC Chairman William Ramirez, Acting Deputy Executive Director – Bureau on Coordinating Secretariat and Support Services Atty. Guillermo Iroy, Jr. at DOJ Assistant Secretary Margaret V. Castillo-Padilla, na kumatawan kay DOJ Secretary Menardo I. Guevarra.

“I am very happy that this inter-government collaboration with DOJ is finally happening,” bulalas ni Ramirez. “The PSC wants to seek guidance and promote accountability and good governance among national sports associations, organizations and other stakeholders.”

Tuwinang nakakalusot sa Commission on Audit at napaglalaruan ang batas nang mara­ming NSA sa kabila na may mga multi-milyong unliquidation financial assistance buhat sa PSC. Kabilang na taktika ng mga ito ang pagpapalit lang ng lider at minsan pangalan ng kanilang NSA upang mapagtakpan ang kabulastugan nila at patuloy na makapanggatas sa PSC.

Kaya nagbabala rin si Asec. Castillo-Padilla, “the DOJ is here to help the PSC in enforcing their standing Implementing Rules and Regulations (IRR) and help on issues of mishandling financial assistance and on other matters which may be consulted with them”

“For the past 28 years, this is the first time the PSC partnered with DOJ and we are hoping that this positive move will help create unity among us,” panapos naman ni Atty. Iroy.

Nakatakda na ring bumalangkas ang PSC ng task force na makikipag-ugnayan at tatrabaho sa mga kaso at iba pang gusot na ilalapit ng PSC sa DOJ.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More