Una sa Balita

Biktima ng paputok 24 na — DOH

0 322

Umabot na sa 24 ang bilang ng mga biktima ng paputok na naitala ng Department of Health (DOH) matapos ang pagdiriwang ng Pasko.

Sa nasabing bilang ay 11 ang mga bagong kaso ng biktima ng paputok na naitala sa National Capi­tal Region na may apat na kaso, tatlo sa Region 6 (Western Visayas) at tig-isa naman sa Regions 4-A (Calabarzon), 5 (Bicol Region), 7 (Central Visayas) at 9 (Zamboanga Peninsula).

Sinabi ng DOH na sa mga bagong kaso, walo ang nasugatan sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Pasko habang ang tatlong iba pa ay huling nai-report lamang.
Nagkaka-edad ang mga biktima ng mula dalawa hanggang 49-anyos at karamihan ay mga lalaki.

Kabilang sa mga paputok na naging dahilan ng pagkasugat ng mga biktima ay boga, triangle, 5-star, kwitis, piccolo, camara, pili cracker at iba pa.
Isa sa pinakabagong biktima ay 6-anyos na batang lalaki sa Tondo, Maynila na nakalunok ng pili cracker. (Juliet de Loza-Cudia)