Una sa Balita

Biktima ng fireworks nadagdagan pa

0 346

Nadagdagan pa ang bilang ng mga biktima ng paputok hanggang kahapon na pumalo na sa 236 mula Disyembre 21, 2018 hanggang nitong Enero 2, 2019.

Ayon sa Department of Health (DOH), mababa pa rin ito ng 52% kumpara sa katulad na panahon noong nakalipas na taon.

Sa inilabas na datos ng Fireworks-Related Injury (FWRI) Surveillance report, nadagdag ang 35 mula sa National Capital Region; 22 sa Region I ;13 sa Region VI ; anim sa Region VII; 5 sa Region IV-A; 4 sa Region III; tig-tatlo sa ARMM at Region V; tig-dalawa sa Regions IV-B at XII; at tig-isa sa Regions II, IX, XI.

Ang naturang bilang ay mababa ng 52% mula sa 492 naitala noong nakalipas na Bagong taon.

Sa 236 biktima, 187 ang lalaki na nasa edad 2-75 anyos.
Nalaman na wala sa nasabugan ng paputok ang naputulan ng daliri at 61 ang tinamaan sa mata.

Pangunahin umanong sanhi ng injury ay ang kwitis, luces, piccolo, boga at 5-star. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy