Una sa Balita

Biktima ng dengue sa Ilocos Norte tumataas

By
0 120

IKINABABAHALA ng Provincial Heath Office (PHO) ng Ilocos Norte ang paglobo ng bilang ng mga nabibiktima ng sakit na dengue sa lalawigan.

Ayon kay PHO officer na si Dr. Josephine Ruedas, lima ang namatay habang nasa 500 na ang bilang ng mga di­nadapuan ng dengue.

Sinabi ni Ruedas na dalawa na ang nasawi mula sa bayan ng Ding­ras, habang tig-iisa mula sa bayan ng Badoc, Solsona at Laoag City.

Dahil dito, nananawagan ang opisyal sa Department of Health (DoH) ng dagdag na dengue kits dahil paubos na ito sa kanilang tanggapan, gayundin sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center na siyang dengue center sa Ilocos Norte.

Bilang tugon, plano ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na bumili ng karagdagang kits, ngunit ikokonsulta raw muna ang hakbang sa Commission on Audit.