Una sa Balita

Biktima ng baha sa Bulacan binigyan ng Kalinga packs

By
0 1

Umabot sa 1,500 pamilya mula sa mga binahang residente sa bayan ng Marilao, Bulacan sa kasagsagan ng Bagyong Maring ang napagkalooban ng relief goods o Kalinga packs na nanggaling sa mga volunteers ng SM City Marilao.

Nabatid na nakipagtulungan ang SM Foundation Inc. Operation Tulong Express Program at pamahalaang-bayan ng Marilao sa pangunguna ni Mayor Juanito Santiago para sa pagkakaloob ng 1,500 packs ng relief good na may lamang bigas,de-lata, noodles at bottle water sa mga naapektuhan ng tubig-baha.

Ang bayan ng Marilao ang siyang nasentruhan nang pananalasa ng Bagyong Maring kung kaya kaagad na kumilos ang mga kawani at volunteer mula sa nasabing mall na siyang nagkaloob ng food packs at prayoridad na binigyan ay mga senior citizens at person with disability na lubhang naapektuhan ng bagyo.

Labis ang pasalamat ng pamahalaang lokal sa nagbigay ng tulong sa kanyang mga kababayang naapektuhan ng malalim na baha na umabot ng halos apat na araw bago tuluyang bumaba at nawala.