Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Biktima ako! Nanlamig kamay ko’: Aiko inobligang makipag-sex scene kay Long Mejia

0 100

Kaloka ang karanasan ni Aiko Melendez kay Long Mejia, ha! Imagine, inalok siya na gumawa ng pelikula na si Long ang partner, at ang daming hinihiling na eksena sa harap ng kamera.

Nandiyan yung kailangan niyang maghubad, at kailangan niyang makipag-bed scene, torrid kissing scene kay Long Mejia.

At walang daya ang eksena, dapat daw ay hubad talaga sila, at parang ‘nagtatalik’ talaga. Dadayain na lang daw sa pag-iilaw ang eksena, para hindi lumabas na malaswa.

Sa simula ay natatawa lang si Aiko, na hindi siya makapaniwala na aalukin siya ng ganung pelikula, na si Long nga ng kapareha, at oobligahin siyang gawin ang maseselang eksena na hindi niya nagawa noong kabataan niya.

Panay ang esplika ni Aiko na dramatic actress siya, at never naman siyang naghubad o nakipag-sex scene talaga sa pelikula.

Patawa-tawa lang si Aiko, pero gulat na gulat.

“Talaga ba Direk? May love scene kami? Hindi naman ako nakikipag-kissing scene!” hirit ni Aiko.

Anyway, nanlamig ang kamay ni Aiko sa inaalok sa kanya ni Long at Direk. At abangan na lang kung tinanggap niya ang pelikula kasama si long.

“Biktima ako! Watch niyo sa YouTube channel ni Long Mejia ang kabuuan ng prank nila sa akin ni Direk Willy Cuevas,” sabi pa ni Aiko.

Pero, isang bagay na napansin ng mga netizen kay Aiko, kahit nasa sitwasyon na siya na alanganin, hindi siya naging bastos, at iniesplika niya ang sitwasyon o kagustuhan niya sa maayos na paraan.

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.