Una sa Balita

Bikoy kakasuhan ng perjury

0 325

PERJURY ang kahaharapin ni Peter Joemel Advincula, alyas Bikoy kung itutuloy ang paghahain ng kaso laban sa mga miyembro ng oposisyon na sinasabi nitong nagpaplano ng pagpapatalsik laban sa administrasyong Duterte.

Ito ang pagbabanta ni outgoing Senator Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV kasabay ng paalala sa mga awtoridad na malalagay din sa alanganin kung ipagpapatuloy ang paniniwala kay Bikoy.

Sa gitna nito ng paghaharap ni Trillanes ng mga dokumento at video na kokontra sa pahayag ni Bikoy na may inilalatag na ouster plot ang oposisyon at scripted ang kanyang mga inilabas sa ‘Ang Totoong Narcolist’.

Sa press conference sa Senado, ipinakita ni Trillanes ang kopya ng mga text message ni Bikoy at ng miyembro ng religious group na kumupkop sa kanya gayundin ang video footage na nagpapakita ng paghahayag ni Advincula ng ilang nalalaman nito laban sa ilang kadikit umano ng Duterte family.

Iniharap din nito ang affidavit ni Bikoy na nilagdaan at ipinanotaryo noong May 6, 2019 na naglalaman ng kanyang mga alegasyon laban sa Duterte family.
Muling binigyang-diin ni Trillanes na hindi pumasa sa kanilang vetting process si Bikoy kaya’t hindi niya ito inilabas sa Senado. (Dang Samson-Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy