Una sa Balita

Bikining itim

0 691

Dalawang barangay sa Baguio City ang nagpapatupad ng kani-kanilang ordinansa na bawal na ang pagsasampay ng mga underwear (panty, brief at bra) sa harap ng kanilang bahay at bawal na ang pagkakalat ng tsismis.

Ito ay may kaukulang parusa.

Ayon sa kani-kanilang opisyal sa barangay ito ay kailangan upang maging maganda sa paningin ng local at dayuhang turista ang lungsod at para maiwasan na rin ang awayan ng magkakapitbahay.

Sana ay magsimula sa ating sarili ang pagiging masinop, malinis at may respeto sa kapwa at ‘di na kailangan pang magpatulad ng ordinansa na tulad nito.

Lord Ikaw na ang bahala.

Balitawit:
Nais kong malaman mo
(Boyfriends)

Kay sagwang pagmasdan
‘Panty’ sa sampa­yan, talaga
Parang banderitas…
Katabi’y bahag mo, ano ba?

Nais kong malaman ninyo,
Hindi na puwedeng iwagayway ito…
Kakasuhan ka na, tunay ang balita, lagot ka!

Kahit nasaan ka man ‘panty’ mo’y buyangyang, sumpa ‘yan!
Pati na ang tsismis, pagbabawal na rin saan man!!! 

Nais kong malaman mo
Pati umpukan, bawal na sa Baguio…
Ibulong mo na lang…
Kung sino ang bago niyang sinta!!!

Wala na, wala na wala na, wala nang burara !
Wala na, wala na, wala na, wala nang madada !

Nais kong malaman ninyo
Hindi pulutan ang buhay ko
Kakasihan ka na tunay ang balita, lagot ka!!!

Kahit nasaan ka man
panty ninyo’y alisin sa sampayan
Pati na ang brief ninyo, ay inyong itago, please naman!

Nais kong malaman mo
mga kuwentuhan, bawal na sa Baguio…
Ibulong mo na lang…
Kung sino ang bago niyang sinta!!!

Wala na, wala na, wala na, wala nang burara !
Wala na, wala na, wala na, wala nang madada!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy