Una sa Balita

Biker patay sa truck

By
0 36

Nasawi ang isang 45-anyos na biker matapos na masagi ng isang trailer truck habang nagbibisekleta kamakalawa sa kahabaan ng Road 10, Tondo, Maynila.

Idineklarang dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Hospital ang biktimang si Ernie Aguilar, may-asawa, ng 84 Blue St., Tondo, Maynila habang sumuko naman ang driver ng isang tractor truck na si Levegin Del Prado, 39, may-asawa ng Poblacion Norte, Sto. Tomas, La Union.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Ge­rald Gonzales ng Manila Police District (MPD)-Vehicle Traffic Investigation Section, dakong alas-11:30 ng umaga nang naganap ang insidente sa panulukan ng Road 10 at Mancnes St., Tondo, Maynila.

Binabagtas ng biktima sakay ng kanyang bisekleta at driver na minamaneho ang isang tractor na may trailer (UAU 516) ang kahabaan ng Road 10 southward direction nang pagsapit sa panulukan ng Mancnes St. nang masagi ng dri­ver ang biktima. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy