Una sa Balita

Bike for hanapbuhay nilunsad sa Kyusi

0 395

BILANG pakikiisa sa pandaigdigang pagdiriwang ng World Understanding and Peace Day, inilunsad ng Rotary International District 3780 ang donasyon ng 100 ‘Bike Hanapbuhay’ para sa maliliit na negosyante sa Lungsod ng Quezon.

Ang naturang kaganapan ay pinangunahan ni Rotary International District 3780 Governor at Bagong Henerasyon (BH) Party-list Congw. Bernadette Herrera.

Liban sa Bike Hanapbuhay, nanguna rin si Herrera sa donasyon ng mga wheelchair at nebulizer ng Rotary Club of Kamuning Central sa mga piling barangay resident ng lungsod.

Nagsagawa rin ng iba’t iba pang aktibidad ang nasabing rotary district tulad ng blood-letting o blood donation, peace symposium at livelihood seminar patungkol sa meat processing, soap ma­king, detergent making at marami pang iba.

Kasabay nito, ipinahayag din ni Herrera ang pagbubukas ng bagong specialty clinic sa Rotary Center ng Quezon City na magbibigay ng libreng serbisyong medical tulad ng geriatric (kalusugan ng mga nakatatanda), pediatric (kalusugan ng mga bata), dental, optical at minor surgeries para sa pinakamahihirap na residente ng lungsod.

“Itinaon po natin ang pagbibigay ng Bike Hanapbuhay at ng iba’t ibang serbisyo ngayon dahil tulad nga ng mga dati ko nang sinasabi, na sa tuwing tayo po ay tumutulong sa mga higit na nangangailangan, isinusulong din natin ang tunay na katahimikan at kapayapaan sa ating komunidad,” giit ni Herrera.

“Kung meron ding sariling pangkabuhayan ang ating mga kababayan, mas nabibigyan ng pagkakataon na maging payapa ang kanilang pamumuhay – walang gulo, walang krimen dahil napauunlad natin sa maayos na paraan ang kanilang buhay,” ayon pa sa lady solon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More