Una sa Balita

Bigyan ng sampol ni Yorme

0 487

Dear Abante:

Karapat-dapat lang humimas ng rehas ang mga nangsasalaula sa mga pampublikong lugar. Matapos nilang pagtripan ang Lagusnilad, pati ba naman ang LRT sa Recto pinuntirya nitong mga kabataang tila yata wala sa matinong pag-iisip. Kahit ano pa ang naging panawagan sa Panday Sining ni Yorme Isko, tila bingi ang mga ito.

Tila ba hinahamon ng mga taga Panday Sining itong si Yorme at ang liderato ng Maynila. Karapat-dapat lang talaga na magpasko sila sa kulungan sa tigas ng mga mukha nila. Paano kaya pumapasa sa paaralan itong mga batang to, kung simpleng instruction at paki-usap lang eh hindi nila maintindihan.

Dapat alamin ang background ng mga batang yan at kung saan sila nag-aaral para naman malaman kung anong klasing paaralan meron sila at bakit ganyan katigas ang mga ulo nila.

Jersan Arguilles

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More