Una sa Balita

BiGuel pinataob ang LizQuen

By
0 2,607

Ibang level na talaga ang power ng love­team ng BiGuel, huh! Matapos nilang talunin ang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa La Luna Sangre), ang tandem naman ng LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil sa Bagani) ang patuloy na pinatataob nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa pamamagitan ng kanilang pamamayagpag sa ratings ng Kambal, Karibal.

Sabi nga, matapos sindakin ang mga lobo at bampira, mga Bagani naman ngayon ang walang magawa para mapataob ang kuwento nina Crisan (Bianca) at Crisel (Pauline Mendoza) at pag-aagawan ng mga ito sa binatang si Diego (Miguel Tanfelix). Mapa-social media nga ay sila ang bidang-bida sa puso ng mga netizen.