Una sa Balita

Bigtime stagfest sa Pasay ngayon

0 313

SA Pasay City Cockpit nakatutok ang atensyon ng mga sabungero dahil sa tatlong bigtime stagfest, umpisa sa “MAD Sa Pasay 5-Stag Derby” ngayon.

Mga host nito sina Mamad Villarubio ng Pampanga at Dyland Castillo ng Batangas, na kilala sa pagkuha ng 2013 ‘Bakbakan’ title kasama si Charlie “Atong” Ang.

Sa mga suporta ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000, itutuloy ang sabong festival sa PCC sa Huwebes, Nov. 7, sa may 144 sultadang “Encuentro Big Event 6-Stag Derby.”

“Garantisado ang P2M cash para sa winners ng individual at team,” ani Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) president Nick Crisostomo nitong Linggo.

Sa Biyernes, Nov. 8, ang sagupaan ng mga sabong ‘heavyweight’ sa pangunguna ni 8-time World Slasher Cup champion Patrick Antonio sa “Miggy Big Event 6-Stag Derby” ni Michael Tiqui ng Bulacan kung saan ang lampas 100 siyapolan.
Sa mga detalye, kontakin ang sinuman kina Erica at Ace sa 0945-491-7474, 0939-4724-206, 843-1746 at 816-6750. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy