Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bigtime rollback sa petrolyo

0 72

Ipapatupad ang price rollback sa mga produktong petrolyo sa ilang gasolinahan sa bansa ngayong Martes.

Nag-anunsyo ang Petro Gazz, Shell at Seaoil ng P1.55 bawas kada litro ng kanilang diesel, P1.00 naman sa kanilang gasolina.

Samantala, P1.45 naman ang tapyas sa presyo ng kerosene para sa Shell at Seaoil.

P1.50 naman sa diesel at P1.00 din ang bawas sa Phoenix Petroleum at CleanFuel.

Epektibo ang naturang rollback alas-6 ng umaga sa Martes.

Una nang nag-rollback ang Unioil ng kanilang produktong petrolyo noong Linggo.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.