Una sa Balita

Bigtime oil hike pampito ngayong 2019

By
0 318

NAGPATUPAD ng big time oil price hike sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo ngayong araw.

Pinangunahan ng Pilipinas Shell, PTT Philippines, Petro Gazz, Total, Seaoil at Caltex Philippines (Chevron) ang dagdag-presyo na P1.45 kada litro ng gasolina, maging sa diesel ay P1.45 din kada litro habang sa kerosene ay nasa P1.35 naman kada litro na epektibo ngayong alas-sais nang umaga.

Inaasahan namang susunod na magpatupad ng oil price hike ang ilan pang malalaking kompanya ng langis gayundin ang maliliit na kompanya sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Sa tala ng Department of Energy (DOE) ang panibagong pagtaas sa mga produktong petrolyo ito ay nasa pampitong beses na simula ng pumasok ang taon 2019.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy