Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bigtime lady tulak sa Taguig, nalambat

0 74

Aabot sa P1,020,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isang kinikilalang bigtime lady pusher matapos ang buy bust operation ng Pasig Police kamakalawa sa Taguig City.

Sa report sa tanggapan ni PBGen. Orlando Yebra Jr., District Director ng Eastern Police District, nakilala ang suspek na si Mobina Baluno y Unotan, 29, taga-Taguig City at kabilang sa Regional HVI Priority Data Base on Illegal Drugs Rank as Number 5.

Ayon kay PCol. Roman Arugay, hepe ng Pasig Police, isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PLt. Kenny Khamar Khayad ang buy-bust alas-5:00 Biyernes ng hapon sa Block 35, Kenneth Road, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City matapos ang bentahan ng illegal na droga sa pagitan ng suspek at pulis na umaktong buyer.

Nakumpiska sa suspek ang 19 piraso ng plastic sachet ng shabu na may standard drug value na P1,020,000.00, isang sling bag at P1,000.00 buy bust money. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.