Una sa Balita

Biglang ulan!

By
0 167

Halos maghapong inulan ang Metro Manila at mga karatig na probinsya kahapon dahil sa umiiral na easterlies sa silangang bahagi ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bukod sa Kalakhang Maynila, nakaranas rin ng biglaang pag-ulan ang Rizal, Batangas, Laguna, Quezon, Bulacan at Cavite.

Sa weather forecast ng PAGASA, walang sama ng panahon ang umiiral sa Philippine area of responsibility (PAR) kundi easterlies lamang o ang pag-ihip ng malakas na hangin mula sa silangan.

Normal umano sa ganitong kondisyon ng weather system ang thunderstorms at kalat-kalat na pag-ulan na karaniwang tumatagal ng isa hanggang dalawang oras dahil ang easterlies ay nagdudulot ng ‘warm, moist winds’.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy