Una sa Balita

Biglang sulpot ng mga multo dumadalas

0 414

Mga ka-Misteryo palaisipan kay Norman ng Maynila kung bakit mas madalas ngayon ang biglang pagsulpot ng mga ligaw na kaluluwa kung hindi man ay mga nilalang sa kabilang dimensyon.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Hindi mawari ni Norman kung may kinalaman ba sa krisis ng Coronavirus disease o Covid-19 pandemic ang mga nakikita niyang biglang sulpot ng mga multo at mga nilalang sa kabilang dimensyon.

Ito ang isinangguni ni Norman sa #Misteryo para malinawan ang kanyang isipan sa nangyayari ngayon.

Palaisipan kay Norman kung ang mga biglang sulpot na mga multo o kaluliwa at mga nilalang sa kabilang dimensyon ay pawang mga sundo ng mga namamatay sa sakit o hindi man kaya ay para gabayan at tumulong sa mga taong may mahalagang ginagampanan sa mga panahong lalu ng frontliners.

Misteryo: “Anong klase ng mga multo ang nakita mong biglang sumusulpot? Sila ba sa palagay mo ay mga ligaw na kaluluwa o mga nilalang sa kabilang dimensyon na sadyang lumilitaw at nagpapakita sayo?
Norman: “Karamihan sa mga nakita kong biglang sulpot ay mga ligaw na kaluluwa. May biglang multo ng lalaki na naka-uniporme ng pulis ang sumulpot sa harap ko habang nasa computer ako para sa aking work from home.”

Misteryo: “Anong sabi sayo? Kinausap ka ba? Ano ang sadya niya sayo?”
Norman: “Walang sinabi tumayo lang sa harap ko hindi ko maaninag ang mukha tapos biglang talikod, umalis. Hindi ko naman naramdaman na masama ang enerhiya niya baka curious lang.”

Misteryo: “Ano pa ang ibang mga nakita mo? May nakita ka bang nakakatakot ang mukha? O kaya susugurin ka?”

Norman: “Teka parang may isa akong nakita na biglang sulpot na multo ng babae habang pasakay ako sa elevator tapos sumama sa loob at tinabihan ako, kinalabit pa ko kaya sinabihan ko siya kahit pabiro na mag-social distancing delikado baka mahawaan niya ako. Sinabi ko yun para mawala din takot ko, medyo nakakatakot hitsura duguan ang mukha.”

Misteryo: “Kapag may nakikita ka bang multo o ligaw na kaluluwa Ano ang kadalasan mong ginagawa lalu na kung laging sumusunod sayo?”
Norman: “Karaniwan hindi ako nagtatanong, humihingi na lang ako ng tulong kay St Michael Archangel para tulungan ang multo na makatawid sa kabilang buhay. Kapag wala asa mood dedma na Lang ako.”

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.# Rey Sibayan Official Website News, Metaphysics, Sports, Gaming reytsibayan.com

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More