Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Biglang Litaw na mga Kaluluwa, Pinagmumura

0 452

Mga ka-Misteryo kayo ba ay sinugod na ng mga kaluluwa sa inyong bahay nang hindi niyo namamalayan?

Yan ang ating paksa ngayon: Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!

Hindi masyadong pinapansin ni Lemuel ng Marikina ang kanyang abilidad na makakita ng mga kaluluwa sa paligid dahil alam niya kapag pinansin niya, mas lalu siyang lalapitan.

Pero Isang gabi habang nagliligpit siya ng kinainan nilang mag-asawa ay minabuti niyang magpatugtog muna ng espiritwal na musika habang abala sa kanyang ginagawa.

Nagulat siya nang magsulputan sa loob ng bahay niya ang mga ligaw na kaluluwa kaya hindi niya maiwasan mainis sa kanila katakut-takot na mura ang pinakawalan niya, pinalalayas niya ang mga multo sa paligid niya.

Iyan ang inusisa ng #Misteryo kay Lemuel.

Misteryo: “Ibang klase ka Lemuel, sa halip matakot ka, nagalit ka at pinagmumura mo pa ang mga kaluluwa.”

Lemuel: “Ganun talaga ako kasi Ayaw ko na-I-istorbo ako… tignan mo gusto ko magrelax pagkakain tapos biglang may katabi na akong multo, yung iba nangangalabit pa habang may biglang dumadaan-daan sa loob mismo ng pamamahay ko.”

Misteryo: “Ano naman kaya ang dahilan at bigla silang nagsulputan sa bahay niyo?”

Lemuel: “Yun ang unang inisip ko habang ang mga kaluluwa ay nasa iisang tabi lang ng bahay namin matapos ko silang pagmumurahin pero yung iba umalis na lang.”

Misteryo: “Baka naman yung spiritual music ang dahilan baka na-attract sila sa himig na yun kaya sumugod sila sa bahay niyo.”

Lemuel: “Oo yun nga saka yun lang ang bagong ginawa ko, hindi naman talaga ako nakikinig ng ganun, mga chant ang karaniwan kong pinakikinggan.”

Misteryo: “Anong ginawa mo dun sa naiwan na mga kaluluwa sa loob ng bahay niyo? Tinulungan mo ba? Nahimasmasan ka ba na kailangan mo talaga sila tulungan? Gusto ng mga yan makatawid sa kabila.”

Lemuel: “Humingi na lang ako ng alalay sa mga kaibigan sa kabila na tulungan ang mga kaluluwa kaya unti-unti na silang nawala. Humingi na Lang ako ng dispensa sa kanila.”

Marami talaga ang mga kaluluwa sa paligid natin na nangangailangan ng tulong. Maaari natin silang alayan ng panalangin para makatawid sa kabilang buhay.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.