Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bigating firm partner ng Taguig sa bakuna storage

0 129

Nakipag-partner ang Taguig local government sa isang world class cold chain firm para sa kanilang gagawing coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine storage na ibibigay sa mga residente ng lungsod.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, layon ng partnership ng Taguig sa ORCA Cold Chain Solutions na matiyak na mayroong sapat na storage room para sa mga pre-ordered vaccine ng siyudad at maging ng iba pang mga siyudad sa Metro Manila na bumili din ng COVID-19 vaccine.

SM food to go Banner Ad

Nitong Biyernes ay ipinasilip ang tinaguriang first-ever world-class at fully automated cold storage facility ng bansa.

Kasama ni Cayetano ang mga opisyal ng city health office at si Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano na bumisita sa 6,500-square-meter facility sa Bagumbayan Village.

Kumpleto pasilidad para matiyak na ang mga vial ay maaaring ilipat mula sa storage facility patungo sa mga vaccination center sa ilalim ng controlled temperature. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.