Una sa Balita

Bigatan ang parusa

0 273

Ang dami-daming suhestiyon na lumulutang para maresolba ang matinding trapiko sa kahabaan ng EDSA at ilang bahagi ng Metro Manila.

Nakakatuwa namang may mga nag-e-effort para maresolba ang problema.

Kanya nga lamang halos karamihan sa panukala o suhestiyon ay kinokontra ng marami.

Kung ganyang puro pagkontra ang mariri­nig natin, wala talagang mailalapit na solusyon sa teribleng traffic sa Metro Manila.

Baka nga mabulok na lamang ang mga moto­rista at pasaherong buma­baybay sa EDSA.

Kaya bakit ba hindi na lamang maging istrikto sa mga ipinatutupad na batas trapiko?

Katulad na lamang ng paghinto sa tamang sakayan ng mga bus at mga pasahero.
Sa totoo lang kahit sabihing 8,000 mahigit lamang ang mga buma­baybay na bus sa EDSA kapag naipit at naipon ang mga ito ay barado ang kahabaan ng EDSA at apektado ang Metro Manila.

Sa tingin ko, ‘pag na­ging istrikto lamang sa aspetong ito ay mababawasan ang problema sa trapiko.

Isa pang sanhi ng trapiko ay ang naghamba­lang na mga nakaparadang mga sasakyan sa maliliit na kalye at alternate route.

Sa tingin ko, madadala ang pasaway na motorista kung titiketan ang mga ito at may mabigat na multa.

Kayang-kaya ito gawin dahil kitang-kita naman ng mga awtoridad ang plaka ng sasakyang iligal na nakaparada.

Maisasakatuparan ito sa tulong ng mga taga-barangay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy