Una sa Balita

Bigas, gulay tulong sa mga Batangas evacuee

0 271

TUMULAK na ang mga kawani ng Provincial Social Welfare and Deve­lopment Office-Isabela (PSWDO-Isabela) patungong Batangas dala ang 1,000 kaban ng bigas para maitulong sa mga nabiktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Umalis noong Miyerkoles nang gabi ang isang trailer truck ng PSWDO-Isabela lulan ang 1,000 kabang bigas kasama ang mga kawani ng Provincial Social Welfare and Development Office.

Napagpasyahan umano ni Isabela Gov. Rodito Albano na sa halip na karagdagang puwersa ng mga rescue team, water purifier at relief pack ay kaban-kabang bigas na lamang ang ipadala bilang tulong sa mga apektado sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Nagbigay rin ang mga magsasaka at negosyante sa La Trinidad, Benguet ng sako-sakong gulay para sa mga bakwit. Tumulong naman ang La Trinidad Police para sa pamamahagi nito. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More