Una sa Balita

Bigamous marriage

By
0 872

Dear Atty. Claire,

Magandang araw po. May gusto po sana ko itanong about po sa desisyon namin magpakasal ng live-in partner ko. May isa na po kaming anak at halos 7 taon na po kaming nagsasama.

Hiwalay na po sila ng asawa niya at may isa rin po silang anak. Gusto na po namin magpakasal kaya lang po may record sila sa NSO na kasal sila.

May mga nabasa na po akong article ninyo about sa grounds ng annulment pero hindi ko pa rin po sigurado kung wala talgang bisa ang kasal nila. Wala po kasi silang marriage license at tinanong ko po ‘yung partner ko at hindi rin daw po sila kinasal ay may nag-asikaso lang daw po at nagpapirma sa kanila ng papeles dahil kailangan ng marriage certificate para sa pag-aaral ng anak nila.

Ang sabi ko po sa asawa ko since sa pagkakaalam ko wala namang bisa ang kasal nila ay baka puwede na lang magkaroon ng kasunduan at pirmahan na hindi magdedemanda ‘yung babae kung sakali na magpakasal kami.

Maaari po ba ‘yung ganu’ng paraan kung hindi po ano po ba ang dapat at legal namin gawin para po makapagpakasal na kami. Mahal daw po kasi kapag nagpawalang bisa pa siya ng kasal sa korte at hindi po namin kaya ang gastos.

Maraming salamat po.

Marilyn

***

Related Posts

Dear Marilyn,

Tama ka na maaaring walang bisa ang kasal nila dahil walang marriage license at walang ceremony pero dapat pang patunayan sa korte na wala talagang marriage license dahil kung nagsasama na sila bilang mag-asawa bago pa ikasal ng limang taon o higit pa ay exempted sila sa pagkuha ng marriage license at may bisa ang kasal kahit hindi sila kumuha ng marriage license.

At kahit pa man tunay na walang bisa ang kasal nila dahil walang ceremony at walang marriage license ay idadaan pa sa masusing pag-aaral iyan ng korte bago pa magdesisyon na mawalang bisa ang kasal. Hindi maaari ang iniisip mo na magpirmahan na lamang na hindi magdedemanda ‘yung tunay na asawa dahil wala pa ring bisa ang magiging kasal ninyo dahil ito ay bigamous marriage.

Kahit na pinatawad kayo ng tunay na asawa ay maaari pa rin kayong masampahan ng kasong bigamy ng sinuman dahil ang bigamy ay isang public offense. Sabi nga sa kasong Salvador S. Abunado and Zenaida Bias Abunado, G.R. No. 159218. March 30, 2004:

xxx, while he claims that there was condonation on the part of complainant when he entered into a bigamous marriage, the same was likewise not established by clear and convincing evidence. But then, a pardon by the offended party does not extinguish criminal action conside­ring that a crime is committed against the State and the crime of Bigamy is a public offense which can be denounced not only by the person affected thereby but even by a civic-spirited citizen who may come to know the same.

Kaya bago pa man sana makipagrelasyon sa may asawa ay itama muna ang lahat at baka makasuhan ng concubinage/adultery. Kung magpapakasal man ay baka kasuhan ng bigamy.

Sa sitwasyon mo na alam mo na may asawa siya ay hindi mo malalagpasan ang kasong bigamy. Kaya nararapat na ipawalang bisa muna ang kasal sa korte bago magpakasal ang ka-partner mo ng pa­ngalawang beses.

Naiintindihan ko ang lagay mo at gusto mong mabuo ang pamilya mo kaya hayaan kang tulu­ngan ng Integrated Bar of the Philippines at baka ikaw ay ma-qualify bilang indigent o pauper litigant para sa isang free legal assistance.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email lamang sa attorneyclaire@gmail.com