Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Big time tulak sa Antipolo timbog

0 178

Arestado ang isang 24-anyos na big time umanong tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng mahigit isang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) noong Linggo ng gabi sa Antipolo City.

Kinilala ni PDEG Director Police Brig General Randy Peralta ang suspek na si Jheremy Manakil Javier, alyas David, binata at residente ng Barangay Mambugan ng nasabing lungsod. Nakaditine ito sa PDEG detention cell sa Camp Crame habang inihahanda ang kaso laban sa kanya.

Dinakip ito sa inilatag na operasyon ng mga tauhan ng Special Operation Unit 4A dakong alas-otso ng gabi sa 16 Robin St. Francisville Subd., Brgy. Mambugan, Antipolo City.

Isang poseur buyer ang umiskor umano ng marijuana sa suspek gamit ang isang bundle ng boodle money at dinakma ito nang magkapalitan sila ng pera at ilegal na droga.

Nasamsam sa kanya ang may 1.7 kilo ng pinatuyong dahoon ng ma­rijuana na nagkakahalaga ng P212,500. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.