Una sa Balita

Big time pusher swak sa rehas

0 253

Bumagsak na sa kamay ng mga pulis ang isang bigtime drug pu­sher, matapos itong mahulihan ng 61 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P400,000 ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Malabon City.

Kinilala ang suspek na si Jonathan Swing, 29, na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag s RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Matagal na umano siyang sinailalim sa surveillance at nasa drug watch list kaugnay sa pagiging tulak nito ng iligal na droga.

Alas-2:50 nang madaling-araw, ikinasa ng grupo ni Capt. Baltan ang buy-bust operation laban kay Swing sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Isang poseur buyer ang umiskor ng isang pirasong plastic sachet ng shabu ng halagang P1,000 sa suspek.

Makaraan ang abutan, doon na dinamba ng iba pang pulis na naroroon si Swing. Inaalam na kung sino ang sup­plier ng shabu ng suspek.
(Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More