Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Big-time pusher bebot nalambat sa P1M droga

0 60

Bumagsak sa mga kamay ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang isang babae na umano’y big time drug pusher sa buy bust operation kung saan nasamsam sa kanya ang mahigit P1 milyong halaga ng shabu sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nadakip na si Noraima Esmail, 36, ng Road 10, Barangay NBBN North ng nasabing lungsod.

Nadapuhak rin ng mga tauhan ng SDEU Navotas Police ang dalawa niyang kasapakat na sina Ma. Clarise Certeza alyas “Clarise,” 28, at Erickson Varona alyas “Erick,” 29, kapwa taga-Tondo, Manila.

Kwento ni PCol. Dexter Olaging, hepe ng Navotas Police, alas 11:30 ng gabi, nagkasa sila ng buy bust operation sa Road 10, NBBN, Navotas City.

Isa sa mga pulis ang nag-under cover at umiskor kay Esmail ng P3,000 halaga ng shabu. Naroon din sa lugar ng transaksiyon ang dalawa niyang kasama.

Matapos ang abutan, doon na dinamba ng mga parak ang tatlong suspek kung saan nasa kabuuang 158 gramo ng shabu ang nasamsam ng mga una na may standard price na P1,074,400.00. (Orly Barcala)

Leave A Reply

Your email address will not be published.