Una sa Balita

Big time oil hike ngayon!

By
0 151

Tatlong kumpanya ng langis ang nag-abiso na ukol sa ipatutupad nitong dagdag-presyo sa kanilang mga produkto ngayong linggo.

Ang Pilipinas Shell Petroleum Corporation ay nag-abiso ukol sa P0.65 kada litrong dagdag sa kanilang gasolina habang P0.40 kada litro sa diesel at ang kerosene ay may dagdag ring P0.35 kada litro.

Maging ang Eastern Petroleum Corporation ay magtataas rin ng P0.65 kada litro sa gasolina at P0.40 kada litro sa diesel. Pawang epek­tibo ito alas-sais ngayong umaga, Hunyo 28.

Samantala ang independent oil company Flying V ay magtataas rin ng P0.75 kada litro sa kanilang gasolina at P0.40 naman sa diesel epek­tibo alas-12:01 kaninang hatinggabi.

Bunga nito, inaasahang susunod na ring mag-abiso ang ibang oil companies.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy