Una sa Balita

Big plate sa motor, aprub

By
0 3

Inaprubahan kahapon ng Senado ang panukalang batas upang ipatupad ang pagkakabit ng mas malaki at reflectorized plate number ng motorsiklo.

Lusot sa ikatlong pagbasa ng kapulungan ang Senate Bill No. 1397 na iniakda nina Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III at Sen. Richard Gordon.

Sa nasabing ­panukala, maglalabas ang Land Trans­portation Office (LTO) ng mas malaki at madaling mabasang plate number ng mga motorsiklo at scooter. Ikakabit ito sa harap at likod ng sasakyan at kailangang nababasa kahit sa layong 15 metro.

Magkakaiba ang kulay ng plaka sa bawat rehiyon upang ­madaling m­atukoy kung saang lugar ito inisyu.

Isinulong nina Sotto at Gordon ang panukala dahil sa lumalaking problema ng patayan na gawa ng mga kriminal na riding-in-tandem.