‘Big One’ posible sa labas ng Metro Manila

By

Ibinabala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang posibilidad na mangyari rin ang mala-“Big One” na lindol sa labas ng Metro Manila.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, mayroon ding mga aktibong fault sa ibang lalawigan na hindi masisiguro kung gaano kalakas na pagyanig ang maidudulot nito kapag gumalaw.

“Although ang ‘The Big One’ ay patungkol sa Metro Manila… pati siyudad o mga probinsya, merong mismong mga aktibong fault sa kanilang lugar na magdudulot ng kanilang ‘The Big One’,” ayon kay Solidum.

“`Wag isipin na Metro Manila lang at mga karatig na probinsya lang ang maghahanda, pati na rin `yung ibang lugar sa Pilipinas,” dagdag ng Phivolcs chief.

Nauna nang ipinaliwanag ni Solidum na ang ‘Big One’ ay isang malakas na lindol mula sa West Valley Fault na maaaring umabot ng magnitude 7.2 ang lakas at intensity 8 ang pag-uga ng lupa. Maaapektuhan umano nito ang Metro Manila, Bulacan at ilang bahagi ng Rizal, Cavite at Laguna.

SHARE