Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Big Hook walastik

0 99

PINASAYA ni Big Hook ang mga liyamadista matapos manalo sa Philracom Rating Based Handicapping System na inilarga sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite Linggo ng hapon.

Sakay si jockey Jomer Estorque, ipinuwesto nito si Big Hook sa pang-lima sa largahan habang nagtatagisan ng bilis sina Jade’s Treasure, Don Damiano at Signature Move.

Subalit papasok pa lang sa kalagitnaan ng karera ay sumusungaw na sa unahan si Big Hook upang makipag-ubusan ng lakas sa bumanderang Jade’s Treasure.

Pagsapit ng huling kurbada ay kalahating kabayo na ang lamang ni Big Hook kay Jade’s Treasure kaya nagkaroon ng matinding labanan sa rektahan.

Nanatili ang tikas ni Big Hook at nanalo iito na may dalawang kabayong agwat sa nasegundong Jade’s Treasure.

Nirehistro ni Big Hook ang tiyempong 1:21 minuto sa 1,300-meter race sapat upang hamigin ng owner nito ang P5,000 na added prize.

Ang nasabing event ay suportaado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.