Una sa Balita

‘Big fat kid’ dati, Go nambabarako na

0 443

KINALAWIT ng Columbian Dyip si Isaac Go bilang top pick sa Gilas Special Draft noong Linggo sa Robin­sons Place-Manila.

Si Go ang unang player ng Ateneo na naging No. 1 pick pagkatapos ni Greg Slaughter sa Ginebra noong 2013.

Pagkatapos ng kanyang rookie year bilang Blue Eagle, nahasa si Go sa ilalim ni Tab Baldwin at nagamit nang husto ang kanyang 6-foot-8 frame para mambarako sa loob.

Ang resulta ay three-straight UAAP championship, huli nitong nagdaang Season 82 bago siya nagdeklarang magpapa-draft sa PBA.

“Big fat kid” nga raw ang tawag sa kanya noong bagong dating sa Katipunan, pero sineryoso ang pagbabawas ng timbang, naging mas maliksi at mabilis pero hindi nawala ang lakas.

Nagkaroon na rin si Go ng kumpiyansang tumira sa labas.

Breakout year ni Go sa UAAP noong Season 80. Sa semifinals, kinamada niya ang crucial baskets para ilaglag ang FEU.

Pagkatapos ay pinangunahan niya ang mga taga-Katipunan para sipain sa trono ang La Salle sa Game ng 3 ng Finals. Naiganti ng Blue Eagles ang runner-up finish sa Green Archers sa nagdaang season. ‘Yun din ang umpisa ng three-peat.

Sa Season 80, si Go ang nakipagbalyahan sa higante ng mga taga-Taft na si Ben Mbala.

Hindi pa makakalaro agad sa Dyip si Go dahil tatapusin muna ang obligasyon sa national team na nagtatag ng pool para sa 2023 FIBA World Cup na iho-host ng bansa.

Pero willing to wait ang Dyip.

Inaasahang mas mahahasa pa ang kalibre ni Go pagbalik mula kampanya sa Gilas. At walang duda na magiging dominanteng big man na sa susunod ang higante ng Ateneo. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More