Una sa Balita

‘Big Event’ derby sa Las Piñas Setyembre 7

0 264

MARKADO na sa mga sabungero ang bakbakan ng mga bigtime cocker, ang “AAO Big Event 6-Stag Derby” sa Las Piñas Coliseum sa Sept. 7.

May 120 sultada pataas ang sigurado sa paderbing ito ni consistent derbyist Gerry Ramos ng Against All Odds entry.

Isa si Ramos sa co-hosts ng World Pitmaster Cup 9-Stag International Derby sa Resorts World Manila sa susunod na buwan.

Mga locally-banded stag ng International Federation of Gamefowl Breeders (FIGBA-Bakbakan) at Pambansang Federation Ng Gamefowl Breeders, Inc. (PFGB,Inc – Digmaan) ang puwede.

May bagong iskedyul ang “30th Anniversary 5 -Stag Derby” sa Sept. 9, 12 at 15, host si Mayor Nene Aguilar.

Pareho pa rin ang format (guaranteed prize na P850,000 at entry fee P11,000).

Ang elimination rounds (2-stag) ay sa Sept. 9 at 12 habang sa Sept. 15 ang 3-stag finals.

Sa detalye: 873-1040, 0929-1800960 (Grace 1), 0939-1376455 (Grace 2) o 0915-3582076 (Julius). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy