Una sa Balita

‘Big Event’ cockfest sa Pasay ngayong Biyernes

By
0 777

Larga ngayon, Biyernes, Feb. 8 ang unang bigtime cockfest ng Pasay City Cockpit para sa 2019, ang “Bulldog Big Event 6-Cock Derby” tampok ang may 150 sultada.

Ilang kalahok sa nakaraang international derbies – World Pitmasters Cup at World Slasher’s Cup – ang mu­ling magpapasiklab ngayon.

Suportado ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000 ang taunang pasabong na ito nina Mayor Francis Espiritu at Team Bulldog.

Naghahanda ang bigating Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) sa 2019 Cocker of the Year race, umpisa sa first leg (7-cock) sa Feb. 15 at 18 (3-cock elims) at Feb. 22 (4-cock finals).

Sigurado na ang 50 entries sa Feb. 15 at 60 sa Feb. 18.

Raratsada ang bigtime derbies sa PCC: Tiger Shark and NML San Luis 6 -Cock Derby (Mar. 1), PL2 Malainin 5 -Cock Derby (Mar.8), Ripper 6 -Cock Derby  (Mar.15), Fa Fa Fa 6-Cock Derby (Mar. 22) at Be My Guest 5-Cock Derby  (Mar. 29).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy