Big 3 ng Nets umatake

Umuwi ng Brooklyn ang Nets para iganti ang dalawang sunod na talo sa Cleveland.
Buo na muli ang Big 3 nina Kevin Durant, Kyrie Irving at James Harden, pinagdiskitahan ng Nets ang Miami Heat 128-124 Sabado ng gabi.
Nagsalansan ng 31 points si Durant, may 28 points, 6 rebounds at 7 assists si Irving at halos triple-double ding 12 markers, 7 boards at 11 feeds si Harden.
Humugot pa ang Brooklyn ng 23 points kay Joe Harris.(Vladi Eduarte)