Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BIFF umatake kahit Ramadan

0 94

Kinondena ni Maguindanao Rep. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu ang pag-atake ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa bayan ng Datu Paglas noong Sabado.

Ang pag-atake aniya ng BIFF sa “banal na panahon ng Ramadhan ay patunay lamang na walang kinikilala o pinagingilagang Diyos ang mga terrorista.”

Mabuti na lamang umano at walang sibilyang nasaktan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“We are only thankful that no one was used as hostage or hurt when the two groups briefly exchanged fires.”

Nakipag-ugnayan si Mangudadatu at kanyang pamilya sa mga awtoridad upang maibigay ang kinakailangang tulong ng mga ito sa pagpapaalis sa mga miyembro ng BIFF na panandaliang inokupa ang isang palengke sa bayan.

“Any act of terrorism in the guise of religion, will not succeed in undermining our foundations, traditions and democratic culture. Putulin na natin ang galit at paghihiganti. There are many ways we can reaffirm our commitment to our beliefs and values without resorting to violence and unrest.” (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.