Una sa Balita

BIFF off’l todas sa militar

By
0 5

Todas sa isinagawang law enforcement operation ng militar ang isang high ranking official ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) mula sa tinaguriang Karialan faction kamakalawa ng gabi sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala ang nasawing BIFF official na si Ibrahim Ali alyas Kumander Ibs, na sinasabing bomb-maker at trainer ng BIFF.

Ayon kay 6th Infantry Division spokesman Capt. Arvin Encinas, nagsagawa ng law enforcement operation ang pinagsanib na puwersa ng 19th IB, 603rd Brigade Philippine Army, DOS PNP at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-ARMM) malapit sa isang gasoline station sa Brgy. Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kung saan namataan si Kumander Ibs na humantong sa engkuwentro matapos manlaban.

Nakuha mula sa suspek ang isang kalibre .45 pistola at mga bala.