Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BIFF, Dawlah Islamiya umatake sa Maguindanao

0 169

Humigit-kumulang sa 50 armadong lalaki ang sumugod sa Barangay Poblacion sa Datu Piang, Maguindanao Huwebes ng umaga.

Sinasabing mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Dawlah Islamiya ang responsable sa pag-atake sa pamumuno ni Karialan Saga Animbang at isang ‘Motorola’ bandang alas-11:00 ng gabi.

Ayon kay Joint Task Force Central (JTFC) spokesman Lieutenant Colonel Anhouvic Atilano, pinasok ng mga miyembro ng BIFF at Dawlah Islamiya ang isang police station sa Datu Piang kung saan sinunog ang patrol car doon.

Agad rumesponde ang tropa ng militar sa lugar kung saan agad naman daw umalis ang BIFF matapos silaban ang patrol car, ayon kay Armed Forces of the Philippines Wesmincom Lt. Col. Alaric Avelino Delos Santos.

Sa ngayon ay nagkalat na ang mga sundalo roon para tutukan at bantayan ang sitwasyon habang wala naman aniyang napaulat na casualties sa PNP maliban sa nasunog na patrol car.

Samantala, ayon sa JTFC, target ng mga armadong grupo ang hepe ng police station sa Datu Piang na si Police Captain Israel Bayona.

Naniniwala naman si JTFC spokesman Lt. Col. Anhouvic Atilano na hindi maihahalintulad sa Marawi ang nangyaring pag-atake dahil walang tama ng bala sa mga kabahayan. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.