Una sa Balita

BIFF Commander arestado sa North Cotabato

By
0 4

Arestado ang isa sa kumander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) matapos ang inilunsad na combat operation ng militar sa Midsayap North Cotabato.

Kinilala ang naarestong kumander na si Muslimin Ladtungan alyas Mus na kasalukuyang 4th Division commander ng BIFF sa ilalim ng pamumuno ni Mando Mamalumpong alyas Commander DM.

Ayon kay Capt. Jo-ann Petinglay, tagpagsalita ng AFP Western Mindanao Command, alas-8:15 ng umaga kamakalawa (September 25) nang maaresto ang BIFF commander sa Barangay Nabalawag Midsayap North Cotabato.

Nakuha sa naarestong bandido ang isang M14 rifle, M16 rifle, rocket-propelled grenade, 2 caliber .45 pistols; at mga components ng Improvised Explosive Device.

Sa ngayon, sinabi ni Maj. General Arnel Dela Vega, commander of the Joint Task Force Central na mas pinaigting ng militar ang kanilang operasyon kontra sa Daesh-inspired groups sa Mindanao.