Una sa Balita

BIEBER, NANUNTOK NG FAN SA SPAIN! 

By
0 4
Justin Bieber
Justin Bieber

Nakunan ng video ang singer na si Justin Bieber na may sinuntok na male fan sa Barcelona, Spain. Nasa Spain si Bieber para sa kanyang Purpose concert tour.

Ayon sa report, nasuntok ni Bieber ang naturang fan dahil ginulat nito ang singer sa pagpasok nito ng kamay sa bintana ng sasakyan ng singer.

Napalakas nga lang ang suntok ni Bieber sa fan kaya nagdugo ang labi nito.

Walang intensyon na saktan ni Bieber ang male fan. Hindi lang daw tama na ipasok ng fan ang kanyang kamay sa kotse at hawakan ang mukha ng singer.

Walang balita pa kung magpa-file ba ng reklamo for physical injury ang fan laban sa singer.

Sue Prado, wagi ng acting award sa Guam Int’l FilmFest! 

Wagi na naman ang talento ng Pinoy sa larangan ng pag-arte sa mga film festivals abroad. Kakapanalo lang ng indie actress na si Sue Prado ng Achievement in Acting Award ng Guam International Film Festival na ginanap sa Guam Museum in Guam.

Nagwagi si Sue dahil sa performance niya sa indie film na The Sister ni Joseph Israel Laban. Sa pelikula ay gumaganap si Sue bilang babae na hindi alam ang gagawin kung iuuwi ba niya ang bangkay ng kanyang kapatid na babae sa kanilang probinsya. Nasawi ang kanyang kapatid habang nagtatrabaho bilang domestic helper sa Saudi Arabia.

Lalaban din sa Dhaka International Film Festival in Bangladesh at magpe-premiere ang The Sister sa Black Movie Film Festival sa Geneva, Switzerland.

Kasalukuyang napapanood si Sue sa GMA primetime teleserye na Alyas Robin Hood.

“Acting is acting” whether it’s a mainstream film or an indie project.

“I veer away from labeling it, because the commitment to the craft shouldn’t change regardless of the label most people tend to put on things we do,” pagtapos pa niya.