Biden tinurukan kontra coronavirus

Nabakunahan na laban sa COVID-19 si US President-elect Joe Biden na ini-live sa mga telebisyon.
Layon niya na mapalakas ang kumpiyansa sa kaligtasan ng bakuna bago ang malawak na pamamahagi nito sa susunod na taon, ayon sa ulat ng CNN.

Tinanggap ni Biden ang bakuna na gawa ng Pfizer mula kay Tabe Mase, isang nurse practitioner at head ng Employee Health Services sa Christiana Hospital sa Newark, Delaware nitong Martes.
Naunang tinurukan ang misis niyang si Jill.
Sa edad na 78, nabibilang si Biden sa mga mataas ang peligro sa COVID-19.