Biden tinarget malalaking kompanya sa bakuna

Naglabas ng bagong polisiya si US President Joe Biden para sa malawakang pagbabakuna laban sa COVID-19 dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dinapuan nito sa Estados Unidos.
Inutos ni Biden ang pagbakuna sa lahat ng mga manggagawa ng malalaking kompanya sa US gayundin sa mga federal government worker.
“This is not about freedom, or personal choice, it’s about protecting yourself and those around you,” pahayag ni Biden sa kanyang talumpati na ginanap sa White House nitong Huwebes.
Inatasan na umano ni Biden ang US Department of Labor para obligahin lahat ng pribadong kompanya na mayroong 100 o higit pang empleyado para pabakunahan ang kanilang mga manggagawa.