Una sa Balita

Bidding process sa pagbili ng binhi ng palay pinababasura

By
0 1,636

HINILING ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol kay Presidente Rodrigo Duterte na isantabi muna ang patakaran sa pamahalaan na nag-oobliga sa mga ahensiya na tanggapin ang may pinakama­babang bid para sa mga binibiling binhi ng palay.

Sa isang liham sa Pa­ngulo noong Marso 7 ay hiniling ni Piñol ang gui­dance ng Pangulo kung paano iikutan ang mahigpit na bidding process sa pagbili ng mga binhing magpapadami sa ani ng mga magsasaka.

Sabi pa ni Piñol, palpak ang patakarang ito at sinasayang lang nito ang pera ng pamahalaan.

Kung ang manalo sa bidding ay mula sa Cagayan Valley, halimbawa, baka hindi angkop ang mga binhi nito kung sa Panay island itatanim ang mga palay.

Dagdag pa niya, may mga magsasaka sa Central Luzon na ayaw gamitin ang hybrid seeds mula sa kompanyang nanalo sa bidding dahil hindi ito ang binhing gusto nilang itanim.

Mungkahi naman ng isang eksperto, maaari naman nilang ilagay sa specs ng bidding ang gusto nilang binhi at maaari rin namang i-decentralize ang procurement para ang mga binhing angkop sa isang lugar ay hindi mapunta sa malayong rehiyon.