Una sa Balita

Bidang babae sa ‘Ant-Man…’ 3 weeks tumira sa Palawan

By
0 1,958

Nanirahan pala sa Palawan ang Canadian actress na si Evangeline Lilly. Sa kuwento ng 38-year-old actress na bida sa upcoming­ Marvel film na ‘Ant-Man and the Wasp’, three weeks siyang tumira sa Palawan when she was 18 dahil sumama siya sa isang Christian mission trip.

Hindi nga raw malilimutan ng aktres ang mala-paraisong Palawan lalo na tuwing magigising daw siya sa umaga.

“My best memories from being there are the moment in the morning when I wake up. I remember the sounds and the smells and there was this beautiful peaceful quiet, still time in the morning.

“Some days I still have mornings when I wake up and I’ll be brushing­ my teeth and I’ll be transported­ back to those mornings in the Philippines and I can’t even put my finger on what it is but it was so special,” pag­alala pa ni Evangeline.

Naging modelo si Evangeline ng Fords Modeling Agency sa Canada hanggang sa mag-audition siya para sa TV series na ‘Lost’ kunsaan ginampanan niya ang role na Kate Austen. Tumakbo mula 2004 hanggang 2010 ang ‘Lost’.

Dahil sa popularity ng show, mabilis na nakilala si Evangeline at ginawa niya ang mga pelikulang ‘The Hurt Locker’, ‘Real Steel’ at ang ‘The Hobbit’ series.

Sa pelikulang ‘Ant-Man’ noong 2015 ay naging co-star siya ng bidang si Paul Rudd. Ngayon ay tandem na sila sa Ant-Man and the Wasp. Kuwento ng aktres na lagi siyang pinapatawa ni Rudd sa set.

“I don’t even know what to do with myself, I’m like should I laugh? Should I riff with him? I don’t know what to do. In the end I basically have opted for… if I have to laugh it’s gonna happen,” sey pa ng aktres.

Dahil isa na siyang female superhero, gusto ipahatid ni Evangeline ang importansya ng female empowerment sa mga role na ginagawa niya.

“It’s very important to me that little girls understand that what makes me strong is not that I can knock someone’s lights out, that I can punch someone or kick someone.

“That isn’t the value of her strength. That her strength is in her intelligence, her strength is in her empathy, her strength is in her grace.

“That her strength is in the fact that she doesn’t care what any man thinks of her or expects her to be. She will be who she is and what she is with no apologies.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy