Una sa Balita

Bida ng ‘Game of Thrones’ muntik kasuhan sa buhok

0 356

Muntik na palang mademanda ng HBO ang isa sa bida ng epic series na “Game of Thrones” na si Nikolaj Coster-Waldau dahil sa isang joke niya na pinagupit niya ang kanyang buhok.

Ginagampanan ni Nikolaj ang role na Jamie Lannister sa GoT at kaila­ngan niyang i-maintain ang mahabang buhok para sa kanyang role.

Minsan ay nag-joke ang aktor na pinagupitan niya ang long blonde hair niya na ikinapraning ng crew ng naturang HBO series.

“There’d been a lot of talk about Jaime’s hair in the early seasons – his long golden locks. Once he lost his hand, I thought he should maybe have a haircut. And then I thought, ‘Why don’t I just pretend?’

“This is five, six seasons ago – I sent them an old picture where I had a buzz cut. I sent a long letter where I explained I’d taken control of my character and I want to be respected. I said that my integrity as an artist was at stake!”

Nakatanggap bigla ng tawag si Nikolaj mula sa kanilang assistant director at sinabihan siya na lumipad ito agad sa set ng GoT sa Belfast dahil kailangang siyang sukatan agad ng wig.

Doon na sinabi ng aktor na joke lang daw ‘yung photo at mahaba pa rin ang buhok niya.

“They all believed it. They’d also called my manager. HBO had started to talk about suing me and it had gotten out of control!” natatawang kuwento pa ni Nikolaj. Ngayon ay natapos na ng aktor ang final season shoot nila for GoT kaya nakapagpagupit na siya na walang pangamba na baka mademanda siya. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy