Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bicol Int’l Airport areglado ngayong taon- DoTr

0 242

Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arturo Tugade na matatapos ngayong taon at mapapasimulan agad ang operasyon ng P4.8 bilyon Bicol International Airport (BIA) sa bayang ito.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, tiniyak sa kanya kamakailan ni Sec. Tugade na tatapusin nila ang BIA ngayong taon. Sa talaan ng DOTr nitong nakaraang Enero 13, 2021, mga 72.2% nang tapos ang BIA at mabilis ang paggawa nito dahil isa ito sa mga prayuridad sa ilalim ng programang ‘Build, Build, Build’ ng administrasyong Duterte.

Ang BIA ay itinuturing na “Most Scenic Gateway” o pinakamagandang pasukan sa Pilipinas dahil sa alindog ng kilalang Bulkang Mayon sa hindi kalayuan. Inaasahang malaki ang maiaambag nito sa pagbangon mula sa pagkakalugmok dulot ng pandemyang Covid-19, lalo nan g pinadapang ‘aviation industry,’ at pagsulong ng matibay na pambansang ekonomiya.

Matapos ang matagal na pagkakalam ng BIA, isinulong ito ng pamunuang Duterte. Pinasimulan noong 2017 ang ‘Landside Facilities (Package 2A), Runway Extension and Passenger Terminal Building (Package 2B)’ nito.

SM food to go Banner Ad

Sa talaan ng DOTr, 88.2% tapos na ang Package 2A nito kung saan kasama ang Administration Building, Air Traffic Control Building, Crash Fire Rescue Building, at Maintenance Building, habang 49.5% namang tapos ang Package 2B nito, kasama ang Passenger Terminal Building. Sa ngayon, ‘24/7’ ang programa ng trabaho sa proyekto.

Sa balangkas, tinatayang dalawang milyong pasahero ng eroplano ang mapagsisilbihan ng BIA taun-taon. Inaasahan ding gagawin nitong “economic powerhouse” ang Albay na sentro ng Bikolandia, at bubuksan ang yaman ng Timog Luzon.

“Malaki ang magiging papel ng BIA sa pagbangon ng bansa, lalo na kapag muling nabuksan na ang ‘international travel’” paliwanag ni Salceda na siyang bumalangkas at nagtulak sa proyekto mula noong una siyang magsilbing mambanatas.

Itinuloy niya ang pagsulong sa BIA noong siyam na taong siyang gubernador ng Albay at Bicol Regional Development Council chairman, hanggang bumalik siya sa Kamara noong 2017. Pinasimulan ito noong 2005 ngunit noong 2009 lamang naging masidasig ang paggawa nito.

“Higit na buo ang pag-asang magkakatotoo na ang BIA dahil sa ‘executive decisiveness’ ng kasalukuyang administrasyon,” pahayag ni Salceda na matibay ang tiwalang tutuparin ni Tugade ang pangako nito sa kanya na mapasisimulan ang operasyon nito bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.